Malawakang SAR Operation sa pitong sakay ng bangka, inilunsad sa Palawan

Naglulunsad ng malawak na paghahanap para sa isang nawawalang motorbanca sa Palawan.

Pitong tao ang sakay nito mula sa Barangay Calandagan, Araceli, patungong Poblacion, Araceli.

Kasalukuyang nagtutulungan ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Air Force (PAF), Coast Guard Station North Central Palawan, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa operasyon na ito.

Nasa mataas na alerto ang lahat ng Coast Guard stations sa paligid at mga kalapit na barangay.

Ginagamit ang eroplano ng Philippine Air Force at mga barko ng Coast Guard Station Araceli para sa search and rescue habang ang PDRRMO at MDRRMO ay aktibong nakikilahok sa koordinasyon at pagpapalaganap ng impormasyon.

Samantala, Regular na binibigyan ng update ang mga pamilya ng mga nawawalang indibidwal, ayon pa sa Coast Guard District Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *