Malilipatan ng mga residenteng apektado ng demolisyon sa Naga City, pinag-aaralan- Housing and Settlement Committee

NAGA CITY –Pinag-aaralan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Naga City kung saan dadalhin ang ilang pamilyang mula sa limang bahay na na-demolished sa Barangay Concepcion Pequeña noong Sabado, na kung saan ang lupa ay para sa itatayong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program na proyekto pa ng National Government.

Kinausap ni City Mayor Son Legacion ang mga apektadong pamilya, inalam kung saan galing ang mga ito, dahil sa ang iba ay hindi naman mga taga lungsod na dumayo lamang para magtrabaho at magbakasakali ng kanilang ikabubuhay.

Kaugnay nito, inihayag naman sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jess Albeus, Chairman ng Housing and Settlement Committee sa konseho na puwedeng dalhin sa konseho ang isyung ito at sa kanyang komitiba para mapag-aralan kung sila ba ay qualified na mabigyan ng libreng lote, kung sila ay mga rehistradong botante ng lungsod o kaya pabalikin na lamang sila kung saan silang lugar nanggaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *