Maling gawain ng mga meter reader at tagaputol ng kuryente hindi umano kinukunsinte ng CANORECO

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Camarines Norte Electric Cooperative na hindi nito kinukunsinte ang mga maling gawain ng mga meter reader at tagaputol ng kuryente.

Ito ang pagtitiyak ni CANORECO General Manager Zandro Gestiada sa pagharap nito sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Martes June 13.

Aniya, nakasaad sa kontrata na kapag mayroong pagkakamali ang mga ito ay mayroong karampatang penalidad sa kanilang agency.

Idinepensa rin ni Gestiada ang pag- outsource ng mga meter reader at tagaputol dahil ito umano ay nakasaad sa batas at karamihan sa mga electric cooperative sa buong bansa ay ginagawa ito.

Natanong din si Gestiada hinggil sa isyu ng mataas na taripa sa kuryente.

Paliwanag nito na ang Energy Regulatory Commission (ERC) pa rin ang nagtatakda ng taripa sa kuryente dahil dumadaan pa ito sa review.

Hindi umano na nangangahulugan na kung ano ang hinirit ng CANORECO at ng power supplier ay ito ang naaprobahan.

May pagkakataon na umano na hindi sinusunod ng ERC ang lumabas sa bidding at nangyari na ito sa CANORECO ilang taon na ang nakakalipas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *