Mall based registration para sa national ID system tuloy-tuloy na ginagawa ng PSA

CAMARINES NORTE – Tuloy- tuloy na ginagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mall- based registration para sa Philippine Identification System o PhilSys.

Ayon sa PSA Provincial Field Office ang mall- based registration ay bukas Lunes hanggang Linggo sa SM City Daet mula alas 10 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

Layon umano nito na mas marami pang indibidwal na makapagparehistro sa PhilSys at maisyuhan ng ePhilIDs.

Maliban sa mall registration inilunsad rin ng PSA noong Oktubre ang PhilSys on wheels para masigurong lahat ng Cam Norteno ay mairehistro.

Dahil sa mga ganitong initiative halos 200 indibidwal ang nairehistro sa PhilSys noong Oktubre at mahigit 100 ePhilIDs ang naimapamahagi.

Nakikipagtulungan din ang PSA sa Provincial Government para makapagsagawa ng mobile registration hanggang sa malalayong barangay.

Batay sa pinakahuling datos ng PSA nasa 477, 810 individual na ang nairehistro sa Philsys sa lalawigan ng Camarines Norte mula noong June 2021 hanggang nitong October 2023 o mahigit 91 % sa 523, 545 target population edad limang taong gulang pababa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *