Malvar Generals Team Ibon, nasungkit ang gintong medalya sa Division meet 2024

Balayan, Batangas – Naiuwi ng Malvar Generals Team Ibon ang gintong medalya para sa Volleyball Boys Elementary Level sa ginanap na Division Meet 2024.

Ang mga batang manlalaro ay sina, Jhon Rey Mationg, Lance Aldrich Lintan, Kurt Aldrin Flora, John Ed Tunggos, Mar Kaiser Dipasupil, Carlo Villareal Jr., Mico Klarence Diez, Aj Janapin, Rheign Lindberge Fonte, Nash Darwin Dela Peña, Charles Dheo Caguitla at si Andrei Lance Lat.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Lance Aldrich Lintan, ang team captain ng grupo, lubos raw ang kanilang saya dahil sila ang nanalo kung saan matindi raw ang kanilang ginawang paghahanda.

Payo naman niya sa mga kabataang nagnanais ding maging mahusay sa larangan ng volleyball, huwag daw silang matakot na sumali sa mga kompetisyon at hanggang kaya ay palaging sumali.

Mensahe naman ng kanilang coach na si Sir Mharvin Maya sa kanyang mga manlalaro, sa respeto at pagtitiwala aniya magmumula ang lahat.

Sa ngayon ay naghahanda na ang Malvar Generals Team Ibon para sa kanilang susunod na laban sa Regional Meet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *