Mambabatas: dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa AFP modernization ng P6-B

Ibinunyag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na dinagdagan ng Kongreso ang pondo ngayong taon para sa Armed Forces of the Philippines Modernization Program (AFPMP) ng P6 billion.

Dahil dito, nasa P45 billion ang pondo para sa AFPMP sa ilalim ng 2023 national budget, kung saan ang P27.5 billion ang programmed appropriations plus P17.5 billion sa unprogrammed appropriations.

Ayon kay Pimentel, na ang P45 billion ay P6 billion na mataas kumpara sa P39 billion sa programmed at unprogrammed appropriations para sa AFPMP noong 2022.

Nabatid na una nang hiniling ng Department of Budget and Management ang P40 billion lang sa programmed at unprogrammed appropriations para sa naturang programa ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *