Mambabatas – kalokohan na ang paggamit ng booklet ng mga senior citizens

Nanindigan si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na ‘useless’ na o ‘wala nang silbi’ ang mga booklet na ginagamit ng mga senior citizens para makakuha ng kanilang diskwento at iba pang benepisyo.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Tulfo, sinabi nitong sa lahat ng tao – senior citizens ang hindi na dapat pang magdala ng nasabing booklet.

Kaawa-awa aniya na may mga senior citizens na hindi nabibigyan ng diskwento dahil lang hindi nito dala ang kanilang talaan.

Ani Tulfo, hindi naman siguro malulugi ang isang tindahan kung may ilang mga seniors na humihingi ng discount.

Bukod dito, iginiit din ng mambabatas na bakit nasa isip pa ng mga tao na manloloko ang mga matatanda.

Samantala, tinitingnan umano ngayon Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-modernisa ng sistema sa pagtatala ng mga senior citizens ng kanilang mga benepisyo para palitan ang paggamit ng booklet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *