Mambabatas, suportado ang renewal ng bansa sa GSP Plus ng European Union

Inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian ang suporta sa pag-renew ng bansa sa partisipasyon nito sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) ng European Union.

Ayon sa senador, ang pagpapatuloy ng partisipasyon sa GSP Plus ay makakatulong sa pagdagdag ng mga investments prospects at paglawak ng exports at employment opportunities sa bansa.

Umaasa rin ito sa European Union na pahalagahan ang mga diskurso at pagkukusa ng Pilpinas na makabuo ng mas malakas na pakikisama sa Europa.

Kabilang si Gatchalian sa Philippine Congressional Delegation na binisita ang European Parliament noong Oktubre para pagpulungan ang estado ng GSP+ ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *