Manager ng Robinson’s Palawan, tinawag na sinungaling ng isang konsehal

Tahasang sinabi ni City Councilor Elgin Robert Damasco na sinungaling ang manager ng Robinson’s Place Palawan matapos maglabas ng pahayag kaugnay sa pagkawala ni Ms. Jovelyn Galleno.

Ayon sa lokal na mambabatas, hindi siya naniniwala sa pahayag na sira ang ilan sa mga CCTV camera sa bisinidad kaya walang maipakita na footage ng paglabas ng dalaga sa mall noong August 5, 2022.

Hindi rin aniya kapani-paniwala na sira ang mga camera sa mall dahil sa madalas na “power outages” dahil mayroong standby solar panel ang Robinson’s Place.

Dapat aniyang bigyan ng “full- access” ng mall ang awtoridad na suriin ang CCTV camera at alamin kung ito nga ba ay totoong hindi gumagana.

Iginiit ni Damasco, na iba ang nakasaad sa pahayag ng mall sa totoong nangyayari o ginagawa ng pamunuan sa misteryosong pagkawala ni Jovelyn.

Ang dalaga ay isang Linggo nang nawawala hanggang ngayon mula noong August 5, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *