Mandatory COVID-19 vaccination isinusulong sa EU countries

Isinulong ng European Union Chief na dapat nang ikonsidera ng mga EU countries ang mandatory vaccination para labanan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 at ng Omicron variant.

Sinabi ni Ursula von der Leyen na mahalaga ang bakuna sa paglaban sa “highly contagious” na bagong variant ng COVID-19.

Una nang kinumpirma ng mahigit dalawampung mga bansa na mayroon na silang kumpirmadong kaso ng Omicron na dahilan upang maghigpit ng travel restrictions ang EU.

Matatandaan na maliban sa Omicron variant, problemado ang European countries sa mas tumataas na naman na kaso ng COVID-19.

Binigyang diin ni von der Leyen na tamang panahon na para pag-usapan ng mga EU members ang mandatory vaccination lalo na at 1/3 ng populasyon ay hindi pa bakunado kontra sa nakamamatay na virus.

Aminado naman si von der Leyen na tanging ang mga bansa lang ang puwedeng magpatupad ng mandatory vaccination kung saan ang ilan sa kanila ay naghahanda na para dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *