Mandatory tree-planting sa bawat isisilang na baby, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa Kamara ang dalawang panukalang batas na tutugon sa climate change at food security ng bansa sa pamamagitan ng pag-oobliga na magtanim ng mga puno.

Sa ilalim ng House Bill 9587, bibigyan ng mandato ang mga magulang na magtanim ng dalawang puno para sa bawat anak na isisilang.

Magsisilbi itong requirement bago ilabas ang birth certificate at ang pagtatanim ng puno ay dapat gawin tatlumpung araw matapos ipanganak ang sanggol.

Nakasaad naman sa House Bill 9588 na ang bawat graduating senior high school at college students ay magtatanim ng dalawang puno.

Mandatory requisite ito para sa graduation ng mga mag-aaral.

Samantala, magmumula sa Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture ang mga binhi sa tulong ng local government unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *