Manggagawa ng walis tambo sa Jose Panganiban binigyan ng livelihood assistance

CAMARINES NORTE – Pinagkalooban ng livelihood assistance ng Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban ang  mga manggagawa ng walis tambo

Para kay Mayor Ariel M. Non, nararapat lamang na mabigyang suporta at pagkilala ang tulad nila na nagsusumikap at tumutulong sa paglago ng lokal na ekonomiya.

Ayon pa sa Alkalde,  nagbibigay pagkakakilanlan din sa bayan ang mga locally-made na produkto kung kaya’t nararapat lamang na sila’y mabigyan ng oportunidad na lumago.

Sa pamamagitan ng livelihood grant na ipinagkaloob ng LGU,  inaasahan ang pagdami ng mga walis tambong may tatak na Mambulao hindi lamang sa Jose Panganiban bagkus maging sa iba’t ibang pamilihan sa probinsya at maging sa buong rehiyon.

(photo courtesy: MIO- Jose Panganiban CN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *