Manggagawang Pilipino, binigyang-pugay ni Pangulong Marcos

Kaisa si Pangulong Bongbong Marcos ng sambayanang Pilipino sa pag selebra ng Labor day ngayong Mayo Uno.

Sa kanyang mensahe, binigyang pugay nito at pinasalamatan ang lahat ng mga manggagawa sa bansa, mula sa mga nagtatrabaho sa syudad hanggang sa mga nagtatrabaho sa bukid sa kanayunan, dahil sa mahalagang ambag nila sa lipunan.

Ayon sa Pangulo, kinilala nya ang kanilang kontribusyon sa patuloy na pag unlad ng bansa.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga tumindig at ipinaglaban ang social justice, ipinaglaban ang karapatan ng mga manggagawa, at sa pagtiyak na nasusuklian ang kanilang pagsisikap.

Nangako ang Presidente na patuloy na susuporta ang pamahalaan sa mga uring manggagawa at sa pagtataguyod ng patas, may dignidad, at katarungan sa kani-kanilang trabaho.

Maaalalang kanina ay ipinag-utos ni Pangulong Marcossa Regional Tripartite Wage and Productivity Board na i-review na ang minimum wage dahil sa inflation

Maliban pa rito – umapela rin ang Pangulo sa Kongreso na ipasa na ang mga panukalang batas na magsusulong sa mas marami at mga de kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *