Manggang may timbang na mahigit 4 na kilo, napitas sa Colombia

COLOMBIA— Hindi karaniwan ang laki at bigat ng manggang napitas ng dalawang Colombian farmers sa isang farm na kanilang pag-aari sa munisipalidad ng Guayata, probinsiya ng Boyaca sa bansang Colombia.

Hindi kasi tulad ng ordinaryong mangga na madalas nating inilalahok sa grahams, halo-halo at iba pang panghimagas, umabot sa 9.36 pounds o katumbas ng mahigit 4 kilos ang manggang napitas sa nasabing bansa.

Ayon kay German Orlando Novoa Barrera isa sa mga may-ari ng farm, ipinaalam nila sa Guinness World Records ang kakaibang mangga na kanilang napitas at batay sa naging pagsusuri ng Guinness, naagaw na nito ang titulo bilang pinaka mabigat na mangga sa buong mundo na unang nakamit ng Pilipinas noong 2009 matapos makapagtala ng manggang may bigat na 7.57 pounds.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *