Na-rescue ng isang Chinese vessel sa East Philippine ang isang mangingisdang taga Davao Oriental na ilang oras nang palutang-lutang sa gitna ng karagatan kahapon.
Ang mangingisda kinilalang si Matrix Plaza Pichon na residente ng Sta. Felomina, Cateel sa Davao Oriental na nasalba ng mga crew ng MV Swift Yangzoe na mula pa sa Australia papunta sana ng China.
Ayon sa nag-iisang Pinoy crew ng nasabing barko na balak nilang lumapit sa isla para makakuha ng signal nang makita nila si Pichon na nagpalutang-lutang sa dagat kaya agad nila itong tinulungan.
Sa interview ng Brigada kay Seaman 1st Joseph Alvin Dacuyan ng Philippine Coast Guard Davao Oriental na malapit na sa Bislig City, Surigao del Sur nakita si Pichon at agad naman dinala sa Philippine Coast Guard – Surigao.
Kita sa video na labis nagpapasalamat si Plaza sa mga crew ng MV Swift Yangzou sa pagkakasalba sa kanya.
Nagpaalala naman ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda na iwasan munang magpalaot lalo na kung hindi maganda ang takbo ng panahon. Max Anaten
Mariing itinanggi ng alkalde ng Bamban Tarlac na may kinalaman siya sa operasyon ng Philippine…
Nagpatupad ng panibagong round ng balasahan sa hanay ng Pambansang Pulisya. Sa special order na…
CAMARINES SUR- Ilang mga senior citizen na ang narespondehan ng Tinambac Municipal Disaster Risk Reduction…
Naiboesa it local government unit (LGU Malay), ro 2nd Place Best Booth Award sa LGU…
Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na walang kinalaman sa pinalutang na new model…
Hindi mapipigil ang Kamara sa ikakasa nitong imbestigasyon hinggil sa umano'y gentleman's agreement sa pagitan…