Mangingisda na-rescue ng Chinese vessel habang palutang-lutang sa dagat

Na-rescue ng isang Chinese vessel sa East Philippine ang isang mangingisdang taga Davao Oriental na ilang oras nang palutang-lutang sa gitna ng karagatan kahapon.

Ang mangingisda kinilalang si Matrix Plaza Pichon na residente ng Sta. Felomina, Cateel sa Davao Oriental na nasalba ng mga crew ng MV Swift Yangzoe na mula pa sa Australia papunta sana ng China.

Ayon sa nag-iisang Pinoy crew ng nasabing barko na balak nilang lumapit sa isla para makakuha ng signal nang makita nila si Pichon na nagpalutang-lutang sa dagat kaya agad nila itong tinulungan.

Sa interview ng Brigada kay Seaman 1st Joseph Alvin Dacuyan ng Philippine Coast Guard Davao Oriental na malapit na sa Bislig City, Surigao del Sur nakita si  Pichon at agad naman dinala sa Philippine Coast Guard – Surigao.

Kita sa video na labis nagpapasalamat si Plaza sa mga crew ng MV Swift Yangzou sa pagkakasalba sa kanya.

Nagpaalala naman ang Philippine Coast Guard sa mga mangingisda na iwasan munang magpalaot lalo na kung hindi maganda ang takbo ng panahon. Max Anaten

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *