Local News

Mangingisda patay nang sumabog ang hawak na improvised dinamita; isa sugatan

SORSOGON CITY – Patay ang isang mangingisda matapos umanong sumabog ang hawak nitong improvised na dinamita sa bote na gagamitin sana sa pangingisda sa dagat na sakop ng Brgy Ubo sa bayan ng Balud, Masbate.

Kinilala ang nasawi na si Aguido Bornales Gabriel, 23-anyos, may kinakasama habang ang sugatan ay nakilalang si Hennil Ausa Laurio, 22-anyos, may kinakasama at parehong residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Balud Police mula sa isang concerned citizen hinggil sa dynamite explosion.

Sa pahayag sa Brigada News Sorsogon ng Balud Police, kalunos-lunos umano ang sinapit ng biktima nang maiahon ito sa dagat-lasog-lasog ang katawan at putol ang isang kamay. Si Laurio naman umano ay kasalukuyang nagpapagaling pa sa ospital.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng hanay ng pulisya sa insidente, kabilang na dito ang pagkalap ng impormasyon kung matagal nang gumagamit ng dinamita sa pangingisda ang mga biktima at kung saan sila kumukuha ng dinamita.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago