Mangingisda sa Calayan, nawawala matapos pumalaot

Isang mangingisda ang kinumpirma ng Calayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nawawala matapos pumalaot noong ika-31 ng Marso, taong kasalukuyan.

Kinilala ang mangingisda na si Edito Antonio, 58-anyos at residente ng Sitio Panan, Barangay Minabel, Calayan.

Napag-alaman na mag-isa itong nangisda sa bahagi ng Didicas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi dahilan upang ipagbigay alam na ito ng kaniyang pamilya sa otoridad.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard ngunit hindi pa ito nakikita kaya’t umapela na rin sa publiko ang pamilya ng mangingisda na sinumang makakita rito ay ipagbigay alam lamang sa mga kinauukulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *