Mangingisdang ilang araw nang palutang-lutang sa dagat – himalang nakaligtas

Nagsisilbing pangalawang buhay na ni Tatay Aniceto Savandal ng Brgy. Aras-arasan, Cagwait, Surigao del Sur ang pagkasagip sa kanya sa baybayin ng Pitogo Beach, Brgy. Tidman, Bayan ng Hinatuan, Probinsya ng Surigao del Sur matapos ilang araw na nagpalutang-lutang sa karagatang parte ng Surigao del Sur.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Trento, Agusan kay Barangay Captain Roger Agorto ng Brgy. Tidman na sa simula akala nila hayop na naka-akyat sa puno malapit sa baybayin ang kanilang nakita pero nang kanilang lapitan ay isang mangingisdang pagod na pagod at nanginginig dahil sa tindi ng lamig.

Pinapainitan nila sa pamamagitan ng pagbalot ng plastic na suot at pina-inom ng maiinit na kape. Sa panayam ng nasabing kapitan sa mangingisda ay apat na araw itong nagpalutang-lutang sa dagat dahil nasira ang bangkang sinasakyan nito sa lakas ng alon.

Tanging plastic container lang na sisidlan ng gasolina ang ginawang panglutang ni Tatay Aniceto para makarating sa dalampasigan at masasaklolohan.

Nakauwi na si Tatay Aniceto sa kanilang pamamahay matapos ang ilang araw na pamamalagi sa bahay-pagamutan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *