Mangrove reforestation project isinagawa sa 30 ektaryang kalupaan sa Cabusao, kasama ang NGO mula sa Japan

CAMARINES SUR– Isinagawa ang mangrove reforestration sa 30 ektaryang lote sa Barangay Biong,  Cabusao, Camarines Sur na kung saan ang pagtataniman ay project ng isang non-govermental organization mula pa sa Japan na nilahukan ng mga opisyal ng Barangay at ng mga personahe mula sa Tourism office sa pangunguna naman ni Abner Avizola ang head ng naturang opisina at siyang Wildlife Enforcement Officer.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Fm Naga kay Avizola, sinabi nitong malaking bagay ang project na ito ginawa ng naturang dayuhang NGO dahil sa makakatulong ito sa ecosystem, bukod pa diyan ay pansamantalang tahanan na rin ng  iba’t-ibang mga migratory birds na dumadayo sa lugar.

Pagdating naman sa pangangalaga sa lugar, regular silang bumibisita doon kasama na ang mga opisyal ng barangay para matiyak na ang mga bakawan ay hindi puputulin o kaya nanakawin para gawing uling.

Aniya hindi rin maiiwasan na may humingi ng panggatong kaya ibinibigay nila iyong mga putol na at tuyo ng mga puno para mapakinabangan naman ng mga taga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *