Manhunt ops vs suspek sa pagpatay sa Brigada executive, ipinag-utos ni Eleazar

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang manhunt operation sa mga suspek na bumaril-patay sa Brigada Group of Companies chief of staff Yentez Quintoy.

Sa isang pahayag sinabi ni Eleazar mariin niyang kinokondina ang ginawang pananambang kay Quintoy noong Biyernes, Hunyo 4.

Ayon sa PNP chief naglabas na siya ng kautusan sa local police sa General Santos na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring kremin.

Hinimok naman ni Eleazar ang kaanak at katrabaho ng biktima na makipag-ugnayan sa mga otoridad.

“Mariin po nating kinokondena ang insidenteng ito. I have directed the local police to thoroughly investigate this killing and launch manhunt operations against the perpetrators of this crime,” pahayag ni PGen Eleazar.

Una ng tiniyak ng Brigada Group of Companies na makikipagtulungan ito sa mga pulis upang mabilis na maresolba ang hindi makatarungan pagpatay sa chief of staff ng kumpanya.

Nag-alok na rin ng P1-Million reward si Brigada Group President/CEO Elmer Catulpos para sa sinumang tao makapagbibigay ng impormasyon para sa ikakadakip ng mga salarin sa naturang kremin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *