Muling nilinaw ng MANIBELA na bukas silang makipagdayalogo para talakayin ang kanilang mga hinaing na nagresulta ng ikakasa nilang tigil-pasada sa araw ng Lunes.
Ito ay matapos ang imbitasyon ng Malacaรฑanbg sa grupo para mapakinggan ang kanilang mga nais mangyari pagdating sa sektor ng transportasyon, pati na rin ang isiniwalat ni Jeff Tumbado na ‘di umano’y katiwalian sa LTFRB, bago pa man siya kumambyo.
Sabi ni MANIBELA president Mar Valbuena – kung magkakasundo naman daw sila ng Gobyerno ay ‘mainam’ din naman ito sa parte nila.
‘Yun nga lang sakali mang ‘di pa rin daw mapagbigyan ang kanilang mga kahilingna ay itutuloy pa rin nila ang transport strike.
Bago ito – una nang nilinaw ni Valbuena na hindi siya ang nagsulsol kay Tumbado para isiwalat ang mga ‘di umano’y katiwalian sa LTFRB, partikular na ang sinasabing ‘lagayan’.
‘Whistleblower’ na si Jeff Tumbado, ni-require na humarap sa NBI sa araw din ng Lunes
Kinumpirmang Department of Justice (DOJ) na naipadala na nila ang subpoena para sa dating opisyal ng LTFRB na si Jeff Tumbado.
Ito ay kahit na nag-recant na siya ng mga exposรฉ hinggil sa ‘di umano’y ‘lagayan’ sa ahensya.
Sabi ni Justice spokesperson Mico Clavano – na-receive na rin ng kampo ni Tumbado ang subpoena mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Required din daw na dumalo si Tumbado at humarap sa NBI, alas-diyes ng umaga sa araw ng Lunes.
Ito raw ay para magpakita siya ng mga ebidensyang susuprota sa kaniyang alegasyon ng katiwalian sa LTFRB.