MANIBELA – tuloy sa biyahe kahit lagpas na sa deadline ng franchise consolidation

Tuloy pa rin sa operasyon ang grupong MANIBELA kahit na bawiin ang kanilang mga permit.

Ito ay kahit natapos na ang consolidation requirement sa ilalim ng PUV modernization program ng pamahalaan sa December 31.

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, plano pa rin nilang pumasada ngunit nangangamba dahil kolorum na sila.

Aniya, bakit kailangan may deadline? at Bakit kailangang i-revoke ang kanilang mga prangkisa kahit walang nilalabag na batas.

Kung matatandaan, pinalawig ng Manibela at PISTON ang kanilang transport strike ngayong buwan upang iprotesta ang franchise consolidation sa ilalim ng modernization program ng gobyerno.

Samantala, nauna nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi na palalawigin pa ang deadline ng konsolidasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *