MANIBELA, umaasa pa ring ie-extend ang deadline para sa PUV consolidation

Umaasa pa rin ang grupong MANIBELA na mababago ang posisyon ni Pangulong Marcos kaugnay ng December 31 deadline para sa franchise consolidation.

Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, karamihan sa kanilang mga miyembro ay hindi pa nakakapag consolidate sa ilalim ng PUV modernization program.

Aniya, kahit na Pangulo na ang nagsalita, umaasa pa rin sila na bago matapos ang taon ay magkakaroon siya ng puso at awa sa mga drivers at operators na mawawalan ng trabaho.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Valbuena na umaasa rin sila na maglalabas ang korte suprema ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng PUVMP bago matapos ang taon.

Kung matatandaan, nauna nang idineklara ni Marcos na wala ng extension ang deadline para sa konsolidasyon matapos puntuhing nasa 70% na ng mga drayber at operator ang nasa ilalim na ng kooperatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *