Manila LGU, naglabas ng fare matrix sa mga pedicab, tricycle at e-trike

Naglabas ng bagong fare matrix ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga pedicab, tricycle at e-trike.

Layon nitong labanan ang mga nangongontratang driver ng mga nasabing uri ng sasakyan.

Nakasaad sa bagong fare matrix, P16 lamang ang base fare sa mga tricycle at pedicab sa unang kilometro at may dagdag na P5 kada 5 kilometers.

Para naman sa e-trike may flat rate ito ng P20 kada ruta.

Umaasa ang Manila LGU na susundin ito ng mga driver dahil kapag hindi sila tumalima ay may kaakibat na P1K multa at may posibilidad na ma-impound ang kani-kanilang unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *