Manny Pacquiao, planong bumalik sa pag bo-boxing

Matapos ihayag ang kanyang retirement sa boxing, tila hindi maalis ng Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao ang kanyang pangalan sa mga spekulasyong magbabalik siya muli sa ring.

Inihayag ni MP Promotions president Sean Gibbons na nangangati na talaga si Pacquiao na makipaglaban muli sa ring simula pa noong matapos ang kanyang buhay politika.

Maalalang nagretiro si Pacquiao tatlong taon na ang nakalipas asunod ng pagkatalo kay Yordenis Ugas ng Cuba noong Agosto 2021.

Nasa Saudi Arabia ngayon si Pacquiao bilang isa sa mga bisita ng Saudi adviser sa Royal Court Turki Al-Sheikh para sa heavyweight clash nina Anthony Joshua at Francis Ngannou.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *