Manny Villar, kabilang pa rin sa listahan ng mga bilyonaryo sa Forbes

Nanatili bilang pinakamayamang Pilipino ang real estate mogul na si Manuel “Manny” Villar.

Ito ay ayon sa 2024 World’s Billionaires List ng Forbes.

Batay sa listahan, umabot na sa $11 billion ang net worth ni Villar.

Sinusundan siya ni Enrique Razon Junior na may $10B; Ramon Ang na may $3.5B; Hans Sy na may $2.6B; at Henry Sy na may $2.5B.

Mababatid na pinamumunuan ni Villar ang property developer Vista Land & Lifescapes.

Siya ang kaisa-isang Pilipino sa Forbes Magazine’s top 200 billionaires ngayong 2024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *