National

Maraming lugar sa Pilipinas, ibinalik sa MECQ; NCR Plus, nanatiling nasa GCQ

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maraming probinsya sa modified enhanced community quarantine dahil sa magsipa ng COVID-19 cases sa mga nakalipas na linggo.

Sa Talk to the Nation ng Pangulo ay sinabi niya na isasailalim ang bulacan sa general community quarantine “with some restrictions” mula June 16 hanggang June 30, 2021.

Malalagay naman ang Rizal, Laguna at Cavite sa GCQ with heightened restrictions hanggang sa katapusan ng June.

Ipatutupad rin ang mas mahigpit na MECQ sa Santiago, Cagayan, Apayao, Ifugao, Bataan, Lucena, Puerto Princesa, Naga, Iloilo City, Iloilo Province, Negros Oriental, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro, Davao City, Butuan City, Agusan Del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur.

Mapapasailalim rin ng GCQ ang Baguio, Kalinga, Mountain Province, Abra, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao del Norte, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Lanao Del Sur, Cotabato City.

Samantala, ipatutupad naman sa natitirang bahagi ng bansa ang modified general community quarantine.

BNFM Makati

Recent Posts

Claudine Barretto at Yasser Marta, nagkaka-develop-an na!

Diretsahang inamin ng baguhang aktor na si Yasser Marta (27 yrs old) na mayroon siyang…

2 hours ago

Pinoy boxer na si Suganob, napanatili ang WBO Global title

Matagumpay na naidepensa ni Regie “Filipino Phenom” Suganob ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Global…

2 hours ago

Isang village sa Thailand, gumawa ng ritwal upang sugpuin ang tagtuyot sa bansa

Habang ang milyun-milyon taon sa buong Southeast Asia ay dumaranas ng matinding init na pananhon,…

2 hours ago

Aircon ng Municipal Health Office sa Pangasinan, ninakaw dahil sa tindi ng init

Ninakaw ang isang aircon sa municipal health office sa Pangasinan dahil sa tindi ng init.…

2 hours ago

Cedric Lee – magpapahinga at magre-recharge muna sa paglipat sa Bibilid

Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa ang negosyanteng si Cedric Lee…

2 hours ago

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

11 hours ago