March rally sa ika-36 na anibersaryo ng EDSA Revolution isasagawa sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Gaganapin ang isang March Rally sa Legazpi City kasabay ng paggunita ng ika-36 anibersaryo ng EDSA Revolution ngayong araw.

Sa panayam ng Brigada News FM legazpi kay Bayan Bicol spokesperson Vince Casilihan, magsisimula ang March Rally sa Ninoy Aquino Park ng Daraga, papuntang Peñaranda Park kung saan gaganapin ang isang maiksing programa.

Dagdag pa niya maaaring may iba pa umanong aktidad ngayong araw mula sa ibang grupo na bukas sa lahat nang nais sumali o makilahok.

Paalala lamang niya sa mga nais na sumali kailangan aniya na sumunod sa mga health protocols, dalhin ang mga vaccination cards at mag face mask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *