National

Marcial pasok sa medal round matapos ang KO win vs Armenian foe sa Tokyo Olympics

Tiyak na ang medalya para kay Pinoy boxer Eumir Marcial matapos umabanse sa semifinals sa Men’s Middleweight Division sa 2020 Tokyo Olympics.

Nagtala ng impresibong performance si Marcial matapos pabagsakin ang katunggaling si Arman Darchinyan ng Armenia sa unang round pa lamang ng kanilang quarterfinal match.

Unang nabilangan ng referee si Darchinyan sa 1:32 ng 1st round matapos maalog sa sunod-sunod na kombinasyon ng pinoy fighter.

Pagsapit ng huling 55 seconds isang malakas na kanan ang kumonekta sa panga ng Armenian na dahilan ng pagbasak nito at itigil ng referee ang laban.

Sunod naman na makakalaban ni Marcial ang pambato ng Ukraine na si Oleksandr Khyzhniak para sa semifinals ng 69-75kg division sa Agosto 5.

BNFM Makati

Recent Posts

Rep. Romulo: School days ng mga learners – dapat araling mabuti

Nakatakdang makipagpulong ang House Committee on Basic Education sa Department of Education (DepEd) upang matukoy…

7 mins ago

Pag-adjust ng mall hours upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila, tatalakayin ng MMC

Nangako si San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora na…

19 mins ago

Dul-an 300k kantidad sa shabu, nakumpiska sulod sa 24 oras ka managlahing illegal drug operations-DCPO

Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang dul-an Php300,000 kantidad sa…

22 mins ago

Senator Win Gatchalian, pinaimbestigahan ang bigas na kanya umanong ayuda na hindi mapakinabangan

Pinaimbestigahan ni Senator Win Gatchalian ang mababang kalidad na bigas na naibigay sa mga residenteng…

36 mins ago

Isa patay sa Pertussis sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- 12 na ang kaso ng pertussis sa Camarines Sur ang isa rito ay…

48 mins ago

Routine patrol at maritime surveillance sa silangang bahaging karagatan ng Pilipinas, hinimok ng ilang mambabatas

Inihain sa House of Representatives ang isang resolusyon na humihimok sa Armed Forces of the…

2 hours ago