Marcial pasok sa medal round matapos ang KO win vs Armenian foe sa Tokyo Olympics

Tiyak na ang medalya para kay Pinoy boxer Eumir Marcial matapos umabanse sa semifinals sa Men’s Middleweight Division sa 2020 Tokyo Olympics.

Nagtala ng impresibong performance si Marcial matapos pabagsakin ang katunggaling si Arman Darchinyan ng Armenia sa unang round pa lamang ng kanilang quarterfinal match.

Unang nabilangan ng referee si Darchinyan sa 1:32 ng 1st round matapos maalog sa sunod-sunod na kombinasyon ng pinoy fighter.

Pagsapit ng huling 55 seconds isang malakas na kanan ang kumonekta sa panga ng Armenian na dahilan ng pagbasak nito at itigil ng referee ang laban.

Sunod naman na makakalaban ni Marcial ang pambato ng Ukraine na si Oleksandr Khyzhniak para sa semifinals ng 69-75kg division sa Agosto 5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *