Marcos, bukas na magkaroon ng maritime border talks sa China sa pamamagitan ng Indonesia

Bukas si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa usapin ng pagkakaroon ng maritime border talks sa China at sa iba pang mga kalapit na bansa gamit ang istratehiya kagaya sa mga nilagdaang kasunduan nito sa gobyerno ng Indonesia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Marcos na panahon na para mag-explore ng iba’t-ibang strategy para matugunan ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Aniya, ‘beginning point’ ito o simula para sa pagtalakay ng mga usapin ukol sa teritoryo at interes ng bansa.

Umaasa naman si Marcos na magiging epektibo ang ganitong uri ng istratehiya para matigil na ang pag-aagawan ng teritoryo.

Mababatid na nitong nakaraang Lunes ay lumagda sa ilang kasunduan sila Pangulong Marcos at Indonesian President Joko Widodo kung saan kabilang dito ang pagpapabilis sa mga negosasyon kaugnay sa delimitation sa mga continental shelf batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *