National

Marcos: “encouraging” ang very good satisfaction rating ng SWS

Inilarawan ni Pangulong  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na encouraging ang pinakabagong resulta survey ng Social Weather Stations na nagpakita na tatlo sa apat na Pilipino ang satisfied sa kanyang performance bilang Pangulo.

Ayon sa Presidential Communications Office, hindi siya tumitingin sa surveys subalit iba sa pakiramdam kapag naiintindihan ng mga tao ang kanyang ginagawa.

Dahil dito sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na tuloy-tuloy lamang ito sa kanyang trabaho at ipaalam sa tao ang ginagawa ng kanyang gobyerno.

Base sa resulta ng December 2022 survey ng SWS, 75% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ay satisfied at 7% ang hindi satisfied sa performance ng Pangulo.

Nasa +68 ang net satisfaction rating ng Pangulo, limang puntos na mas mataas sa +63 noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ginawa ng SWS ang survey noong December 10-14, 2022 na may 1,200 respondents.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Alyansang Sara-Romualdez – posible pa rin

Bukas para sa diskusyon ang Lakas-Christian Muslim Democrats sakaling makipag-alyansa ang regional party ni Vice…

46 seconds ago

5 baril ni Pastor Quiboloy, isinuko sa Regional Civil Security unit ng PRO 11

Limang baril ni Apollo Quiboloy ang isinuko sa Regional Civil Security Unit ng Police Regional…

16 mins ago

Pangulong Marcos, bubuhayin ulit ang Uniteam para sa 2025 election

Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Ito ang tawag ngayon sa pagsasanib pwersa ng Partido Federal…

19 mins ago

Red Tagging – banta sa buhay, kalayaan, seguridad indibidwal – SC

Idineklara ng Korte Suprema na ang red-tagging, vilification, labeling, at guilt by association ay banta…

19 mins ago

Pagkatao at nationality ni Tarlac Mayor Guo, tila kaduda-duda – senadora

Inamin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na tila nalunod siya sa naging rebelasyon…

23 mins ago

Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho – umakyat sa 3.9%

Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso. Ayon sa Philippine Statistics…

25 mins ago