Marcos: “encouraging” ang very good satisfaction rating ng SWS

Inilarawan ni Pangulong  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na encouraging ang pinakabagong resulta survey ng Social Weather Stations na nagpakita na tatlo sa apat na Pilipino ang satisfied sa kanyang performance bilang Pangulo.

Ayon sa Presidential Communications Office, hindi siya tumitingin sa surveys subalit iba sa pakiramdam kapag naiintindihan ng mga tao ang kanyang ginagawa.

Dahil dito sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na tuloy-tuloy lamang ito sa kanyang trabaho at ipaalam sa tao ang ginagawa ng kanyang gobyerno.

Base sa resulta ng December 2022 survey ng SWS, 75% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ay satisfied at 7% ang hindi satisfied sa performance ng Pangulo.

Nasa +68 ang net satisfaction rating ng Pangulo, limang puntos na mas mataas sa +63 noong Oktubre ng nakaraang taon.

Ginawa ng SWS ang survey noong December 10-14, 2022 na may 1,200 respondents.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *