Marcos inauguration, naging pangkalatahang mapayapa ayon sa PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police na walang naitalang mga major untoward incidents kasabay ng panunumpa kahapon ni President Bongbong Marcos sa National Museum.

Ito ay kahit na mayroong inilabas na pahayag ang mga militantent grupo na pagkundena sa pag-aresto sa tatlong mga youth leaders.

Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao, naging pangkalahatang mapayapa at taimtim ang mga event sa inagurasyon ni Marcos.

Aniya, maliban sa mga idinaos na kilos-protesta, wala naman umanong mga nangyaring malaking banta sa seguridad sa area ng oath-taking at sa mga freedom parks.

Pinasalamatan naman ni Danao ang lahat ng mga personnel ng PNP, iba pang mga security agencies, at ang mga force multipliers at iba pang volunteers na tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan kahapon.

Malaki rin aniya ang naging ambag ng kooperasyon ng publiko sa pagpapanatily ng order at pagsunod sa mga safety guidelines ng mga otoridad.

Nagpaabot din ng pagbati si Danao sa bagong Republika ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *