Marcos, ipinag-utos na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga inmates na kwalipikado para sa parole

Inatasan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy ang pagpapalabas sa mga inmates o persons deprived of liberty (PDLs), na kwalipikado para sa parole, upang madecongest ang mga kulungan sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), na batay umano sa karanasan ni Marcos bilang gobernador ng Ilocos Norte, karamihan sa mga PDLs ay matagal na sa kulungan dahil hindi nila kayang magbayad ng serbisyo para sa mga magagaling na abogado.

Kaugnay nito, suportado rin ng pangulo ang plano ang DOJ na ilipat ang ‘hardened criminals’ sa Alcatraz-type prison, na mag-iisolate sa kanila mula sa general jail population t matigila na ang kanilang criminal activities, lalo na’t may ilan pa umano sa kanila ay direkta pang nagagawa ang operasyon sa kabila na nasa kulungan.

Nabatid na sa kanilang 2022 accomplishment report, ibinahagi ng DOJ na nasa 3,000 PDLs na mula July hanggang December 2022 ang napalaya bilang agaragang hakbang na madecongest ang mga correctional facilities.

Maliban dito, minamadali narin ng naturang ahensya ang pagproseso sa pagpapalaya sa mga kwalipikadong inmates sa pamamagitan ng pag-digitalize sa systems ng Probation and Parole Administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *