National

Marcos, nilagdaan ang batas na magbibigay ng two-year tour of duty sa top military execs

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na layung palakasin ang professionalism sa Armed Forces of the Philippines, na kabilang sa inamyendahang probisyon sa tour of duty at appointment ng mga key military officers.

Kaugnay nito, pinirmahan ni Marcos ang Republic Act No. 11939, o ang An Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the Armed Forces of the Philippines, and Amending for this Purpose Republic Act No. 11709.

Matatandaan na nilagdaan ng predecessor ni Marcos na si Rodrigo Duterte, ang Republic Act No. 11709 noong Mayo ng nakaraang taon.

Sa ilalim ng bagong batas, ang Commanding General, Philippine Army; Commanding General, Philippine Air Force; Flag Officer in Command, Philippine Navy; at Superintendent, Philippine Military Academy ay may maximum tour of duty na dalawang magkasunod na taon.

Ang naturang mga opisyal din ay hindi na magiging eligible para sa anumang posisyon sa AFP, maliban kung mag-promote bilang Chief of Staff. //MHEL PACIA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago