Mariah Carey, sinalubong ang pagsisimula ng Christmas season

Opisyal nang idineklara ng international pop superstar na si Mariah Carey ang pagsisimula ng Christmas season ngayong taon.

Sinalubong ni Carey ang holiday season nang maglabas siya ng teaser para sa kanta nitong “All I Want for Christmas is You.”

Binasag niya ang yelo sa pamamagitan ng pag-whistle at sumigaw ng “It’s Time!”

Inilabas ni Carey ang kanta noong 1994 bilang bahagi ng kanyang album na “Merry Christmas,” na palagi pa ring namamayagpag sa music charts tuwing kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *