Marian Rivera, tinarayan si Ivana Alawi para sa isang prank video

Matagumpay na na-prank ni Marian Rivera ang vlogger na si Ivana Alawi.

Sa simula ng vlog, inihayag ni Ivana ang kaniyang matinding paghanga kay Marian dahil dati’t dati pa man ay idolo niya na talaga ang aktres.

Ngunit sa huli, nabanggit ni Marian ang pagiging late ni Ivana nang gawin nila ang vlog at iginiit na hindi niya gusto sa katrabaho ang late.

Ilang beses na tinanong ni Marian kung bakit nga ba na-late si Ivana, at nagkuwari siyang nairita hanggang sa iwan na si Ivana.

Hindi naman napigilan ni Ivana na umiyak kaya naman isiniwalat na ni Marian na prank lang ang kaniyang pagkairita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *