Maricel Soriano, nanindigang ‘di gumagamit ng iligal na droga

Kinumpirma ng aktres na si Maricel Soriano sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pagmamay-ari niya noon ang condo unit sa Makati City na nakita sa confidential paper ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ngunit ayon sa aktres, matagal na niyang hindi ito pagmamay-ari dahil naibenta na niya ito noong 2012.

Base sa nag-leak na dokumento, ang nasabing condo unit umano ang lugar kung saan gumagamit ng illegal na droga ang aktres at maging ang ilang personalidad kasama na ang Pangulo.

Maalala, kinumpirma ng PDEA kanina na wala naman sa kanilang drug list ang Pangulo at maging ang aktres.

Samantala, matapos ang hearing – inilarawan ni Soriano ang apgdinig bilang isang ‘nakatatakot’ na karanasan.

Sabi ng aktres – ‘di pa rin daw malinaw sa kaniya kung bakit naimbitahan pa siya sa pagdinig.

Malinaw daw kasi na lahat ng mga tumestigo sa pagdinig ay nagsasabing ‘di nama na-verify ang impormasyon ni Jonathan Morales, ang signatory sa mga dokumento.

Sa huli – nanindigan siyang ‘di siya gumagamit ng iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *