Mariel Rodriguez, nilinaw na hindi nagpo-promote ng glutathione sa Senado

Nilinaw ni Mariel Rodriguez sa isang Facebook Live na hindi siya nagpo-promote ng glutathione drip habang nasa loob ng opisina ng kanyang asawang si Senator Robinhood Padilla.

Ayon sa aktres, vitamin-C drip ang isinagawa niya at linggo-linggo raw siyang nagpapa ganito dahil prinaprioritize pa rin niya ang paglalagay ng bitamina sa kanyang katawan.

Kinlaro rin nito na nagpunta siya Senado para sa Eddie Garica Bill upang suportahan ang kanyang asawa, at nagkataon lamang na tumagal ang session kaya’t kinakialangan niyang  ituloy ang appointment.

Gayunpaman, base sa mga nakaraang Instagram posts at stories ng Drip in Luxe PH, ang beauty and wellness clinic na madalas puntahan ni Rodriguez, nagpapakita na karaniwan niyang ina-avail ang Beauty and Vitamin Drip, na ayon sa clinic ay naglalaman ng vitamin C, glutathione, antioxidants, natural collagen, Kojic acid, human placenta extract, embryonic stem cell, vitamin B complex at amino acid.

Taliwas ito sa pahayag ni Mariel sa kanyang post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *