Marlon Tapales lalaban sa magwawagi sa Inoue, Fulton fight sa Hulyo

Lalabanan ni Marlon Tapales ang mananalo sa pagitan ng WBC at WBO world super bantamweight champion na si Stephen Fulton at Naoya Inoue sa July 25 sa Japan.

Ito ay matapos bigyan ng green light ng World Boxing Association  si  Tapales na pag-isahin ang kanyang WBA world super bantamweight title.

Si Tapales, 37-3 na may 19 knockouts,  ay nanalo ng WBA at IBF world super bantamweight titles matapos niyang ma upset si Murodjon Akhmadaliev noong Abril.

Ang 31-anyos na boksingero ang tanging natitirang Filipino na kasalukuyang may hawak ng isa sa apat na major boxing world titles matapos mawala kay Melvin Jerusalem ang kanyang WBO minimumweight belt noong May 27 kasunod ng pagkatalo sa kamay ni Puerto Rican Oscar Collazo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *