Martial arts instructor sa Australia, arestado sa pagpatay sa isang pamilya

Arestado ang isang Sydney martial arts instructor na si Kwang Kyung Yoo, dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa mga Koryanong naninirahan sa lungsod.

Ito’y matapos matagpuan ng Australian Police ang bangkay ni Stephen Cho, na sinundan ng pagkakita sa mga bangkay ng kanyang asawa at anak sa Lion’s Taekwondo martial arts studio sa North Parramatta.

Habang nasa kustodiya na siya ng kapulisan at inaasahang sasampahan ng kasong murder, kasalukuyang ginagamot ang suspek matapos magtamo ng sugat sa kanyang dibdib, braso, at tiyan.

Inaresto ang suspek sa ospital at sinampahan ng three counts of murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *