Mas maayos na supply monitoring, ipinanawagan ng isang Kongresista

Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee na dapat magpatupad ang pamahalaan ng mas komprehensibong supply monitoring upang maiwasan na ang pabago-bagong presyo ng mga pagkain at iba pang farm products.

Ito ay kasunod ng naging kautusan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na suspindihin ang pag-aangkat ng sibuyas upang makontrol at maresolba ang pagiging sobrang mura nito.

Ani Lee, kung noong nakaraang taon – problema ng bansa ang napakamahal ng presyo ng sibuyas; problema naman ngayon na naging sobrang baba ng presyo nito.

Kaawa-awa aniya ang mga lokal na magsasaka na siyang nakararanas ng pagkalugi at pagdurusa.

Dahil diyan, mariing sinabi ni Lee na kailangan nang paigtingin ang supplay monitoring para maiwasan ang ganitong sitwasyon.

Ayon sa Department of Agriculture, ang farm gate price ng sibuyas ay bumagsak sa P50 hanggang P70 kada kilo dahil sa dami ng suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *