Mas mabigat, malawak na parusa laban sa animal cruelty, isinusulong ng isang senador

Isinusulong ni Sen. Grace Poe ang panukalang Senate Bill No. 2458 na may layuning baguhin ang Animal Welfare Act upang palakasin ang animal welfare standards, policies, rules at regulations sa Pilipinas.

Nais din ni Sen. Poe na bumuo ng isang lupon upang magkakaroon ng mas malawak na kapangyarihan para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga alagang hayop sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas lilikha ng Animal Welfare Bureau (AWB) sa mga lungsod, munisipalidad, lalawigan at pang-rehiyon.

Bukod sa paglikha ng patakaran at alituntunin na magkakaroon din ng mga batas para rito kung saan mapapalitan ang Rep. Act 8485 o ang Animal Welfare Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *