Mas makulay pa sa bulaklak: isang kwento ng kabutihan

“A resourceful person will always make opportunity fit his or her needs.” — Napoleon Hill

Nakatutuwang ibinahagi ng isang anonymous writer sa online blog na dailygood.org ang isang makulay na kasaysayan at kuwento ng kabutihan ng ilang flour companies at hindi pinangalanang populasyon ng mga banyaga sa mga unang taon ng 1930.

Matapos kaseng malaman ng ilang flour mills na ini ri-recycle o ginagawang damit ng ilang kababaihan ang katsang galing sa kanilang produktong harina, ay nagdesisyon sila na gawin na itong makulay at lagyan ng mga disenyong malayo sa dati nitong plain na itsura na kulay puti lamang upang ganap na itong gawing fabric ‘suitable’ sa paggawa ng mga damit.

Nagtagal ang ganitong uri ng pagiging malikhain at pagtitipid  bago maganap ang World War II.

Sinabi pa sa blog na ang pagkakaroon ng mindset para sa paggamit ng kung ano ang mayroon ka ay isang katangian na, tama, ginagawa at dapat na ipagpatuloy. ### JEREMY LESNIANA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *