Mas marami pang mga LGUs – nagsuspinde na rin ng klase dahil sa matinding init

Nadagdagan pa ang bilang ng mga LGUs na nagdeklara na ng class suspension dahil sa mapanganib na init na nararanasan ngayon.

Ngayong araw ng Lunes – wala nang face-to-face classes sa lahat ng levels, pampubliko man o pribado sa mga sumusunod:
-Bacolod City
-Iloilo City
-Kabankalan, Negros Occidental
-E.B Magalona, Negros Occidental
-Hinoba-an, Negros Occidental
-Bago City, Negros Occidental
-Silay City, Negros Occidental
-Isabela, Negros Occidental
-Tantangan, South Cotabato
-Roxas City, Capiz

Kung maaalala – naitala sa latest forecast ng PAGASA ang mapanganib na heat index.

Kabilang na rito sa Aparri, Cagayan; Pili, Camarines Sur; Catarman sa Northern Samar; at Zamboanga City.

Mas mainit na panahon – asahan pa sa mga susunod na araw ayon sa PAGASAHEADING

Nananatili ang ridge of high pressure area sa bansa na nagbibigay ng mas mataas na temperatura ngayong warm and dry season month.

Ayon kay Ana Solis, Chief of Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, pumapasok pa lang tayo sa kasagsagan ng tag init kaya’t asahan na mas titindi pa ang temperatura sa ilang lugar sa bansa.

Dagdag pa ni Solis, asahan ang mataas na heat index sa Aparri, sa Cagayan, Catarman sa bahagi ng Northern Samar, sa Camarines Sur at Zamboanga del sur.

Hinihikayat naman ng PAGASA ang publiko na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init.

Pinayuhan rin ng ahensya ang mga eskwelahan na ireschedule nalang kung may mga outdoor activities at magkaroon ng alternative measures para maibsan ang epekto ng init at mataas sa temperatura sa mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *