LTO Naga, kinumpirmang maraming gumagalang unregistered vehicles lalo kung gabi sa lungsod

NAGA CITY – Kinumpirma ng Land Transportation Office o LTO Naga, na mas marami pa rin ang mga hindi rehistradong sasakyan ang pumapasok sa lungsod lalo na kung gabi, na nasisita sa patuloy na pagsasagawa ng Road Side Inspection.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga, kay LTO Naga, Chief Grace Rojas, sinabing marami ang pumupunta ng lungsod kung gabi para mamasyal gamit ang kanilang mga sasakyan na hindi rehistrado at walang lisensiya ang driver, kung saan mag pangunahing paglabag ng mga ito.

Aminado ang opisyal na marami pa ring mga violators ang nasa paligid sa kabila ng mga ginawa na nilang outreach program sa Camarines Sur kaya mananatili sila sa kanilang trabaho para matuto at madisiplina ang publiko sa batas-trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *