Mas maraming mahihirap na Pilipino, ayaw magpabakuna kontra COVID-19 ayon kay Galvez

Inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maraming mga residente mula sa mahihirap na komunidad ang nagdadalawang isip na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa weekly briefing ng Pangulo ay sinabi ni Galvez na nasa 30-40% ng mga tao sa Class D at E ang ayaw magpaturok.

Ipinunto ni Galvez na ang mga mas nakaluluwag sa buhay na A, B, at C classes ang nagrerehistro ng mataas na vaccine confidence.

Samantala, ibinahagi rin ni Galvez na 90% ng mga healthworkers sa buong bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Galvez na nakararanas pa rin nila ng mataas na vaccine hesitancy mula sa barangay health workers.

Dagdag ni Galvez, mababa rin ang bilang ng mga senior citizens na nagpabakuna, kahit sila ang pinaka-vulnerable sa COVID-19.

Binanggit rin ni Galvez na base sa datos ay mga tao na 60-anyos pataas ang bumubuo sa 60% ng mga nasawi sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *