Mas maraming turista mula Czech Republic, target ni PBBM

Hangad ni Pangulong Bongbong Marcos na makahikayat pa ng maraming turista mula sa bansang Czech Republic.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa naturang bansa, binangit ng Pangulo na ipinagmamalaki nito ang Pilipinas bilang isang pangunahing destinasyon para sa turismo.

Kasabay nito hinikayat ng Pangulo ang mga Pinoy na imbitahan ang kanilang mga kaibigan sa Czech na bumisita sa Pilipinas.

Para anya makita nila kung gaano kaganda ang Pilipinas at maranasan ang mainit na pag tanggap ng mga Pilipino sa mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *